Wala pa ring katapusan ang kampanya ng Philippine National Police (PNP) laban sa iligal na droga kaya inilunsad nila ngayong araw ang kanilang kampanya ang Anti-Illegal Drugs Operations through Reinforcement and Education (ADORE).
Pinasinayaan din ang infinity marker na sumisimbolo sa dire-diretsong kampanya ng PNP sa illegal drugs.
Ayon kay PNP chief Gen. Dionardo Carlos, ang ibig sabihin ng Double Barrel Finale Version 2022 ay ang katapusan ng kampanya na tinawag na double barrel na inilunsad noong 2016 sa panahon ni dating PNP chief at ngayon ay Senador Ronald Bato Dela Rosa sa ilalim ng administrasyong Duterte.
Kasabay nga ng pagtatapos ng kasalukuyang administrasyon, nilagyan lamang ng tuldok ng PNP ang kampanyang double barrel.
Kasama sa pagtatapos ng Double Barrel ay ang muling pagbalik nila sa mga baranga kung saan nila sinimula ang kanilang kampanya.
Dagdag pa ni Carlos na dahil pababa na si Pangulong Rodrigo Duterte sa Hunyo 10, ang ADORE ay ang end-game raw ng mga naunang anti-illegal drug operations na naglalayong maging maayos ang turn over sa mga susunod na administrasyon at mamumuno sa PNP.
Matatandaang sa panahon ng Duterte administration napasuko nila ang nasa 1.2 million drug users upang isalang sa rehabilitation program ng pamahalaan.
Ang mga sumukong drug users ay binigyan ng pagkakataong magbago at lumayo sa impluwensiya ng illegal drugs.
Ayon kay PNP Chief, sa muli nilang pagbalik sa mga barangay, kukumustahin ng PNP ang mga sumuko at aalamin ang kanilang kondisyon kung hindi na ba sila bumalik sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
Binigyang diin ni Carlos, paiigtingin ng PNP at Philippine Drug Enforcement Agency ang kanilang kampaniya kontra iligal na droga ngayong pumasok na sa new normal ang bansa.