-- Advertisements --
Nasa 30 indibidwal ang dinampot ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa isinagawang “Oplan Galugad” madaling araw ng Linggo sa may Barangay Greater Fairview.
Sa report ng QCPD, na ang mga dinampot na mga indibidwal ay pawang mga menor de edad na lumabag sa curfew, nakatambay sa kalsada, at nag-iinuman sa mga pampublikong lugar.
Kaagad namang dinala ang mga ito sa station 5 ng QCPD.
Isinailalim na sa random drug testing ang mga dinampot na kaagad ding pinauwi matapos sunduin ng kanilang mga magulang.
Muling nagpaalala ang mga otoridad sa mga magulang na laging bantayan at gabayan ang mga anak.