NAGA CITY – Naging matagumpay ang isinagawang joint “Oplan Greyhound” sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa lungsod ng Naga.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Jail Chief Insp. Gerardo Berdin, jail warden ng BJMP-Naga, sinabi nitong ang pag-inspeksiyon sa mga kulungan ang bahagi ng kanilang security measures para matiyak na walang mga kontrabadong nakatago sa loob ng mga selda gaya ng mga iligal na droga at patalim.
Ayon kay Berdin, sa tulong ng Naga City Police Office (NCPO), wala naman aniya silang natagpuang mga kontrabando maliban na lamang sa ilang simpleng bagay na bagama’t hindi naman delikado ngunit kasama sa ipinagbabawal gaya ng pang-ahit at extra ballpens.
Sa kabila nito, ikinatuwa ni Berdin na sa halos magkakasunod na greyhound operations na isinagawa sa naturang piitan ay wala na aniya silang natatagpuang mga kontrabando.
Sa ngayon, tiniyak naman ng opisyal na mas magigin mahigpit pa ang kanilang pagbabantay at monitoring para matiyak na walang magsasamantala na makapuslit pa ng kontrabando sa loob ng piitan.