-- Advertisements --

ODAGUPAN CITY–Patuloy pa rin ang panawagan ng Pangasinan Police Provincial Office sa mga gun owners lalo na sa mga Brgy Officials na boluntaryong isuko ang kanilang mga baril na hindi lisensyado at expired na ang lisensya.

Ayon kay Police Captain Ria Tacderan, tagapagsalita ng PPPO mas paiigtingin ng kanilang hanay ang “Oplan Katok” ng kapulisan.

Sa pamamagitan ng Oplan Katok umiikot ang mga otoridad para puntahan yung mga may-ari ng expired na lisensya na baril para i-surrender nila at matulungan silang mag-renew ng lisensya.

Paliwanag naman ng opisyal na hindi lamang sa mga ordinaryong tao umiiral ang kanilang Oplan Katok ngunit pati na rin aniya sa mga pasaway na Punong Brgy pati na ang mga opisyal ng gobyerno.

Ayon kay Tacderan, sakaling mapatunayan na sangkot ang mga ito sa ‘safekeeping’ ng mga iligal na armas ay hindi magdadalawang isip ang kanilang hanay na sila’y huliin at kasuhan.