CENTRAL MINDANAO-Sa patuloy na adbokasiyang mawakasan ang African Swine Fever o ASF sa bayan ng Kabacan Cotabato, nagsagawa ng paglilinis sa slaughter house ng bayan na pinangunahan ng National Meat Inspection Service o NMIS.
Sa kanilang paglilinis, binigyang kaalaman ang namamahala sa slaughter house na kailangang ugaliin ang paglilinis at dapat ay sumunod sa ipinapiral na kautusan ang mga nagpapaihaw rito.
Nag-atas din ang NMIS na kailangang palakasin ng Meat Inspector ng bayan ang paghikayat sa publiko na dapat sa slaughter house lamang ang pag-iihaw at pigilan ang pag-iihaw sa likod bahay.
Kasabay nito, pinulong ng NMIS at ng OPVET ang mga nagtitinda ng pork meat, nagtitinda ng barbecue na baboy, at mga lechonero na kailangang makiisa ang mga ito sa adbokasiya ng pamahalaan na wakasan ang paglaganap ng ASF.
Siniguro naman ng Municipal Agriculture Office na bukas ang kanilang tanggapan upang magbigay ng talaan ng mga magbababoy na kung saan pasok sa green zone o ASF Free Barangay.
Nagpaabot naman ng pasasalamat si Kabacan Mayor Herlo P. Guzman, Jr. sa NMIS at OPVET. Aniya, isa ang information campaign upang mapaunawa sa publiko na hindi dahil walang epekto ang positibong karneng baboy sa ASF sa tao, may malaki paring dulot ito na mapalaganap ang ASF.
Nagpapasalamat din ang alkalde na dalawang beses nang nagnenegatibo sa ASF ang slaughter house ng bayan.
Muli namang siniguro ni Mayor Guzman na may matatanggap na tulong-ayuda ang mga magbababoy na hindi pasok sa insurance ng Philippine Crop Insurance Corporation o PCIC.
Ang nasabing programa ay UnladKabacan: ASF o Assistance to Swine Farmers.