-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Pangungunahan ng LGU-Kabacan Cotabato ang Oplan Linis sa darating na April 29.

Ayon Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., gagawin ang oplan linis sa Aglipay St., Malvar Street , Jacinto Street at bahagi ng public market.

Ang oplan linis ng LGU-Kabacan ay sa pakipagtulungan ng PNP BFP, MENRO, MHO, CSU, MDRRM, MEO, at MEEDO.

Kaugnay nito, pinapaalalahanan ang lahat na magsasara ang pamilihang bayan at mga tindahan sa nasabing lugar sa darating na April 29, 2020.

Ang oplan linis ay bahagi ng disinfection measure ng lokal na pamahalaan ng Kabacan lalo na sa kinahaharap na krisis sa kalusugan dulot ng coronavirus disease (COVID-19).

Nilinaw ni Mayor Guzman Jr na mahigpit na ipatutupad ang social distancing at paggamit ng facemask sa gagawin na oplan linis.