-- Advertisements --
Barbie Almalbis husband COVID
“One night, it was difficult and sometimes painful for him to breathe, and he felt fuzzy and confused from a 9-day fever and dehydration. He was feeling scared and we mentioned it to our nurse,” bahagi ng kuwento ni Almalbis.

Nakalabas na ng ospital at ngayo’y survivor na ng Coronavirus Disease (COVID) si Martin Honasan, asawa ng singer/songwriter na si Barbie Almalbis at anak ni dating Senator Gringo Honasan.

Ang nakababatang Honasan ay isang linggong na-confine sa malaking ospital sa Taguig dahil sa komplikasyon ng COVID-19.

Naging bantay niya ang mismong misis na si Barbie o Yvette Barbra sa tunay na buhay.

Barbie Almalbis 3

Sa pagbabalik-tanaw ng “Tabing Ilog” singer, tiniis nito ang pangangailangan na pagsuot ng personal protective equipment suit habang binabantayan ang mister.

Hindi pa raw nila matiyak kung nakuha ba nila ang deadly virus sa mga nakaraang pagtungo sa ospital, o sa kasama nila sa “bubble” na asymptomatic o walang sintomas.

Para sa 43-year-old OPM (Original Pilipino Music) artist, labis na nasubok ang pananampalataya nilang mag-asawa ngunit nagtiwala pa rin sa Diyos na malalampasan ang naturang sakit.

Taong 2006 nang ikinasal ang dalawa at biniyayaan ng dalawang anak.