-- Advertisements --

Inanunsiyo ng OPM band na Cup Of Joe ang hindi na matutuloy ang kanilang dalawang araw na SILAKBO Tour 2025 sa lungsod ng Baguio.

Sa kanilang social media account ay isinagawa ang anunsiyo dahil sa hindi inaasahang pangyayari.

Hindi na nila idinetalye pa ang naging aberya sa pagkansela ng konsiyerto na nakatakda sana sa Marso 6 at 7.

Humingi na lamang ang grupo ng pang-unawa kung saan sa mga susunod na petsa na sila maaring makabalik sa nasabing lungsod.

Pagtitiyak naman nila na kanilang ire-refund ang pera ng mga nakabili ng kanilang tickets.

Ilan sa mga kantang pinasikat ng grupo ay ang “Bagyo”, “Wine” , “Bubog” at maraming iba pa.