-- Advertisements --

Ibinahagi ng Alternative Pinoy rock band na Shamrock sa Star FM ang kwento sa kanilang pagbabalik sa Philippine music industry.

Maliban sa bagong musika ay handog rin ng banda sa fans ang kanilang bagong vocalist na si Bradley Holmes.

Sa exclusive interview ng 89.5 Star FM Baguio sa banda, inamin ng kanilang bokalista na sila’y excited na magbigay ng bagong musika sa kanilang mga taga-suporta.

“It’s an honor. It’s a big responsibility. Marc really left a big shoe to fill. I’m excited for it, I’m excited for the things to come. We’re gonna make try to make use of the technology that we have these days.”

ikinwento rin nila ang kanilang mga plano sa kanilang pagbabalik.

“Well, we’re looking forward to make more shows, hopefully we’ll make it to Baguio soon! We have also challenged Sam [bassist] as an entire band and so everyone at Star FM can help us hold him accountable. His challenge is to write a Christmas song this year. So, let’s see.”

Ang Shamrock nga ang nagpasikat sa mga kantang “Alipin” at “Nandito Lang Ako”.

Inilabas na rin ng grupo ang kanilang comeback single na “Bakit ka Aalis”