Aminado ang sikat na “Alipin” hitmaker na Shamrock na apektado rin sila sa pandemya dahil sa umiiral na quarantine.
Sa kanilang eksklusibong pahayag sa Star FM Baguio, ikwinento nila na di pa sila nagkikita-kita simula nang magkaroon ng quarantine sa kani-kanilang lugar dahilan kaya umaasa silang matapos na ang krisis na kinakaharap ng mundo at para makapagpatuloy na rin sila sa kanilang mga naantalang pagtatanghal bilang banda.
“I haven’t seen my bandmates since nagstart ang quarantine natin. Kung may isang bagay na ginagawa kong marami since nagstart ang quarantine, yun ay ang mag-isip. You’re trying how to keep afloat, then eventually, ni-lay down mo din lahat ng options mo. It’s really a bad thing for me “
Nagbalik-tanaw rin ang grupo sa kanilang pagiging bahagi sa isang Guinness event dito sa Pilipinas na kung saan ay napanood sila ng nasa mahigit isang milyong katao.
“One thing that we would never forget is when we played for an event, where they were marching for a cause to get in to the Guinness Book of World Records. The next day, I read in the newspaper that there were 1.2 million people at the event. “
Maliban sa “Alipin”, sumikat ang banda sa kanilang rendisyon ng mga awiting “Hold On” at “Naaalala Ka”, habang marami sa kanilang mga hits ay naitampok sa ilang mga TV shows.