BAGUIO CITY – Ikinatuwa ng OPM Electropop band na Autotelic ang natanggap nilang imbitasyon mula sa rock band na Hilera na sila ay magkaroon ng isang kolaborasyon.
Sa naging pahayag ng mga OPM bands sa Star FM Baguio, unang ibinahagi ng Hilera na looking forward sila na makasama ang Autotelic sa isang proyekto.
“Definitely gusto namin ang ‘Autotelic’, paborito naming banda. Actually si Josh yung vocalist ng Autotelic, nung nagsstart kaming magbanda si Josh nagppractice sa bahay namin, nagcocover yan ng mga songs namin” saad ng rock band na Hilera.
Nang malaman naman ito ng Autotelic sa kanilang naging exclusive interview sa Star FM Baguio, inamin rin ng banda na sila’y excited din sa magaganap na team-up ng kanilang mga grupo.
“Siyempre ako, it’s an honor. It’s an honor kung magiging collab siya, kasi parang full circle din mga kaibigan mo sila ng high school tas bigla kayong gagawa ng music. Tapos, solid rock band pa sila ang layo ng tugtugan nila sa amin pero ako nakikita ko na kung pano siya magwowork as a collaboration. It’s exciting sana mangyari siya”
Kilala ang rock band na Hilera sa kanilang mga kantang “Pilit”, “Define” at ang kanilang rendition ng “Mahirap magmahal ng siyota ng iba”, habang ang elctropop band na Autotelic ay sikat din sa kanilang mga awiting “Takipsilim” “Laro” at “Languyin.”