-- Advertisements --
Inanunsiyo ng singer na si Gigi de Lana ang pagpapahinga muna sa pagkanta.
Ito ay matapos na ma-diagnosed siya na mayroong nodules sa kaniyang lalamunan.
Sa kaniyang concert ay ibinahagi niya ang kaniyang kondisyon sa audience na pinapasabay niya ang mga ito sa pagkanta.
Nanawagan ito sa mga fans na ipagdasal na lamang siya at magpapahinga siya ng hanggang dalawang buwan.