-- Advertisements --
Arestado ang opposition activist sa Belarus na si Raman Pratasevich.
Inatasan kasi ni Belarus President Alexander Lukashenko ang fighter jet na samahan pabalik ang Ryanair plane na sinakyan ni Pratasevich na patungong Minsk.
Matapos ang paglapag ng eroplano ay agad na ikinulong ang opposition leader sa Minsk.
Ang orihinal na ruta ng flight Athens, Greece patungong Vilnus ang capital ng Lithuania.
Nanawagan naman si Lithuanian President Gitanas Nauseda na palayain si Pratasevich.
Tinawag nito na ang pangyayari ay isang kasuklam-suklam.
Si Pratasevich ay founder ng Telegram channel na Nexta na inorganisa para batikusin ang gobyerno.
Nasa wanted list din si Pratasevich dahil sa terrorism.