-- Advertisements --

Nagmatigas ang main opposition party ng Turkey na hindi sila titigil sa pagsasagawa ng kilos protesta.

Sinabi ni Ozgur Ozel, ng Republican People’s Party, na hanggang hindi napapalaya si Ekrem Imamoglu ang alkalde ng Istanbul ay magpapatuloy pa rin ang kilos protesta.

Ikinakampanya rin ng grupo na maging pangulo ng kanilang bansa ang nasabing alkalde.

Aabot naman sa mahigit 1,400 na mga protesters ang inaresto na ng mga otoridad.

Kinondina naman ni Turkish President Recep Tayyip Erdogan ang insidente kung saan inakusahan ang mga opposition na pag-atake sa mga kapulisan at pagsira sa mga pag-aari ng gobyerno.