-- Advertisements --

Nagdaos ng protesta sa loob ng parliament ng Serbia ang mga opposition lawmakers nang maghagis ang mga ito ng mga smoke grenade at ang iba ay gumamit pa ng pepper spray upang tutulan ang gobyerno sa mga korapsyon at suportahan ang demonstrating students.

Nagudyok ang naturang pag-aaklas matapos ipasa ng Serbian Progressive Party ang kanilang agenda na mariing tinututulan ng ibang mga mambabatas kung saan sinugod ng mga ito ang parliamentary speaker at nakipag amok pa ng gulo sa mga guwardya

Ang kaguluhan sa loob ng parliament ay humantong ng pagka-stroke ng isang mambabatas at ikinasugat ng tatlong iba pa.

Nagsimula ang mga protesta apat na buwan na ang nakakalipas ukol sa pagkamatay ng 15 katao nang gumuho ang buong istasyon ng tren sa Novi Sad.

Dahil dito lumawak ang mga demonstrasyon na nag mula sa mga mag-aaral, na sinusuportahan naman ng mga guro, magsasaka, at iba pang sektor sa Serbia.

Sa labas ng parlamento, daan-daang mga nagpoprotesta din ang nakatayo ng tahimik bilang pag-galang sa mga namatay.
Maglulunsad naman ang mga ito ng malaking protesta sa Belgrade sa Marso 15.

Samantala kinondena naman ni Serbian President Aleksandar Vucic ang mga aksyon ng oposisyon at tinawag itong ”hooliganism,” idiniin niya na pananagutin nila ang mga responsable sa pangugulo.

Bagaman may parliamentary immunity ang mga mambabatas sa Serbia, maaari nila itong maibasura kung sila ay mapatunayang kasangkot sa kaguluhan.