Nanindigan ang opposition leader na si 1st District Representative Edcel Lagman na imbes na makatipid ay mas mapapagastos pa ang pamahalaan sa panibagong postponement ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Lagman, binigyang diin nito na dahil sa panibagong suspensyon, kinakailangan na naman ng Commission on Elections (COMELEC) na magpalabas ng pondo para sa gagastusin sa susunod na taon.
Panibagong batch ng gastos para sa pampasahod ng mga guro na magsisilbi bilang poll watchers, panibagong gastos sa mga makina na gagamitin, trainings, seminars at iba pa.
Pasaring pa ni Lagman na tila pinaglalaruan ng pamahalaan ang karapatan ng mga Pilipino na pumili at bumoto ng mga barangay officials na nais nilang mahalal.
Umaasa naman ang opisyal na ito na ang huling beses na masususpinde ang halalan at matutuloy na ito sa susunod na taon.