-- Advertisements --

Sinaksak sa leeg ang democratic opposition leader ng South Korea na si Lee Jae-myung habang bumibisita sa gagawing airport sa Southern Port City ng Busan.

Ito ay matapos na atakihin si Lee ng isang lalaking tinatayang may edad na 50-taong gulang pataas sa kasagsagan ng pakikipagpanayam kasama ang mamamahayag.

Sa inisyal na imbestigasyon lumalabas na nilapitan ng suspek na nagpakilalang supporter nito si Lee para umano manghingi ng kaniyang autograph nang bigla nitong sugurin at saksakin sa kaliwang bahagi ng leeg ang biktima ang patalim na may habang 20-30 centimeters.

Agad na isinugod sa pinakamalapit na pagamutan ang opisyal nang dahil sa patuloy na pagdurugo ng leeg nito dulot ng naturang pag-atake habang agad namang naaresto ng mga otoridad ang suspek sa crime scene.

Kung maalala, si democratic opposition leader na si Lee ay isa ring human rights lawyer na tumakbo sa pagka-presidente ng South Korea ngunit hindi pinalad na manalo noong taong 2022.