Sang-ayon si Senator Francis “Kiko” Pangilinan, pangulo ng Liberal Party, na dapat magkaisa ang mga opposition para maglagay ng isang kandidato para sa pagkapangulo sa 2022 elections.
Sinabi nito na ang dahilan ng paglalagay nila ng isang kandidato ay para tiyak na ang kanilang panalo.
Kapag aniya nahahati ang kanilang mga boto ay tila hahayaan na manalo muli ang pambato ng administrasyon sa pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Isa sa potensiyal na kandidato ng opposition para sa pagkapangulo ay si Vice President Leni Robredo na siyang kasalakuyang chairman ng Liberal Party.
Magugunitang kinukuha rin ng coalition party na 1Sambayan si Robredo para sa pagkapangulo bukod pa kina Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso, mga Senador na sina Nancy Binay, Grace Poe at dating Senador Antonio Trillanes IV.