-- Advertisements --

Nagbigay ng $10-million (P500-M) na donasyon para sa Coronavirus Relief Efforts ang kilalang media mogul na si Oprah Winfrey.

Sinabi nito na ang $1 million sa kaniyang donasyon ay mapupunta sa mga nahaharap sa food insecurity sa panahon ng pandemic.

Habang ang natitirang $9 million ay ibibigay sa mga napiling charity institution ni Oprah.

Ang Food Fund ng US ay inilunsad ng actor na si Leonardo DiCaprio, Laurence Powell Jobs at ibang mga Hollywood celebrities.