-- Advertisements --

Nagbigay ng $10-million na donasyon si Oprah Winfrey para sa coronavirus relief efforts.

Ayon sa sikat na TV host, nais niyang mabigyan ng pagkain ang ilang libong mga Americans na naapektuhan ng lockdown.

Dagdag pa ng 66-anyos na tinaguriang most-influential woman sa buong mundo na prioridad niyang bigyan ang mga lugar kung saan marami ang mahihirap.

Ipinanganak kasi ito sa mahirap na pamilya sa Mississippi at lumaki sa Milwaukee at Tennessee.

Bahagi ng pera ay mapupunta naman sa America’s Food Fund na inilunsad sa Apple Inc. , Food Foundation, Laurene Powell Jobs at ng actor na si Leonardo DiCaprio.