CEBU CITY – Mananatiling optional sa Cebu province ang pagsusuot ng facemask sa outdoor areas.
Ito ay matapos aprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ang ordinansa na epektibong nagpatibay ng Executive Order (EO) No. 16 ni Cebu Gov. Gwendolyn Garcia sa pag-rationalize sa pagsusuot ng facemask sa probinsya.
Nagsagawa ng special session ang provincial board noong nitong Martes upang talakayin ang panukalang iniakda ni board member, Atty. John Ismael Borgonia, ng 3rd District of Cebu.
Inabot lang ng 30 minuto lang ang kailangan ng legislative body upang maipasa ang ordinansa sa una, pangalawa at huling pagbasa nito.
Gayunpaman isang maliit na pagbabago ang ginawa sa draft na ordinansa na isinumite sa sesyon.
Sinabi ni Borgonia na isa sa mga rason nang pagpasa sa nasabing ordinansa ay ang hindi na pagsunod ng publiko sa pagsusuot ng facemask lalong lalo na noong panahaon ng pangangampanya.
Binigyang diin na magkaiba ang sitwasyon sa probinsya kung ikukumpara sa urban areas.
Dagdag pa ni Borgonia, sa bagong ordinansa, may legal nang basehan ang pulisya na huwag arestuhin ang mga hindi nagsusuot ng facemask sa labas, taliwas sa utos ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga alagad ng batas na arestuhin ang mga gagawa at hindi sumusunod sa mandato ng pagsusuot ng mga facemask.