-- Advertisements --
Screenshot 2022 09 30 14 25 28

Matapos ang dalawa’t kalahating taon, pinayagan na ng otoridad sa United Arab Emirates ang publiko sa optional na pagsuot ng face mask sa halos lahat na public indoor places.

Ayon kay Bombo Evangeline Perez Espinosa, correspondent sa United Arab Emirates, isinagawa ang pagbabago sa protocol dahil sa bumababang kaso ng coronavirus.

Wala na ring naitalang Covid-19 casualty sa loob ng tatlong buwan.

Hindi na rin ito mandatory maging sa private schools, early childhood centres, universities, at training institutes, ngunit mandatory pa rin sa medical facilities, mosques kag public transportation means.

Napag-alamang nakaani rin ng samut saring papuri ang United Arab Emirates sa nagdaang dalawang taon sa kaugnay sa management sa pandemic at maagang pagbukas ng negosyo at ekonomiya ilang buwan matapos ang initial March to April 2020 lockdown period.