-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Abot sa 223 na mga pet owners at farmers mula sa barangay ng Katipunan sa bayan ng Makilala at Malangag at Malire sa bayan ng Antipas Cotabato ang nakinabang sa isinagawang anti-rabies vaccination at veterinary health mission ng Office of the Provincial Veterinarian (OPVet).

Batay sa datus ng OPVet mahigit sa 300 aso at pusa ang nabigyan ng anti-rabies vaccine, abot naman sa 140 na mga farm and domestic animals ang nakinabang sa deworming at 46 naman na mga baka, kalabaw at kambing and nabigyan ng vitamin supplements.

Ang aktibidad ay bahagi pa rin ng pinaigting na programa ng pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza na may layuning sugpuin ang nakamamatay na sakit sa hayop na maaaring magdulot ng pinsala sa kasulugan ng tao at maging sa kabuhayan ng mga magsasaka.