Tinapos na ng Korte Suprema ang oral arguments sa kontrobersiyal na Anti-Terrorism Act of 2020 at hindi nagpalabas ng anumang temporary restraining order laban sa batas kahit mayroong 37 petitions.
Kinansela na rin ng SC ang pag-imbita ng personal kay National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. at sa halip ay sagutin na lamang sa pamamagitan ng sulat ang mga tanong ng mga justices.
Isinagawa rin ng Supreme Court ang en banc session matapos na maghain ang mga petitioners ng omnibus motion na hinihikayat ang tribunal na tanggalin sa kanilang record ang oral statements at video presentation ni Esperon noong Mayo 12 kung saan na-red tagged ang ilang progresibong grupo kabilang ang mga petitioners.
Paliwanag ng mga petitioners na ang video presentation ni Esperon ay hindi authenticated.
Pinagpapaliwanag din ng en banc ang petitioner at counsel na si Atty. Theodore Te dahil sa Tweet nito tungkol sa pagpayag ng korte sa video presentation kahit walang authenticity.
Matapos ang ilang araw ay binura din ni Atty. Te ang tweet at ngayon ay pinagpapaliwanag na siya ng SC en banc kung saan sinabihan ang mga petitioners na iwasang talakayin ang mga merits ng kaso sa publiko.