Pinako-consolidate na ng Supreme Court (SC) ang huling anim na petisyon na kumukuwestiyon sa ligalidad ng Anti Terror Law.
Ayon kay SC Spokesman Brian Keith Hosaka, sa isinagawang en banc session ngayong araw ay ipinag-utos na raw ng mga mahistrado na pagsama-samahin na ang anim na huling petisyon sa Anti Terrorism Act of 2020 (RA 11479).
Kasama na rito ang 19 pang petisyon na inihain sa Korte Suprema.
Pinagkokomento rin ng kataas-taasang hukuman ang mga correspondent sa anim na petisyon sa loob ng 10 araw.
Kaugnay nito, magsasagawa naman ang SC ng oral argument sa ikatlong linggo ng Setyempre kaugnay sa 27 petisyon sa SC laban sa kontrobersiyal na batas.
Mag-iisyu daw ang SC ng notice kapag naisapinal na ang petsa ng oral argument.
“Good afternoon, I would like to announce that the Supreme Court in today’s En Banc meeting has ordered the consolidation of the 6 latest petitions on the Anti Terrorism Act (RA 11479) with that of the 19 petitions earlier filed before the Supreme Court, and has likewise ordered the respondents to file their comments to the 6 new petitions within a period of 10 days. The Supreme Court will also be conducting oral arguments on the 3rd week of September, at the earliest. The proper notices will be issued once the date is finalized. Thank you,” ani Hosaka.
Ang naturang batas ay epektibo na noong pang buwan ng Hulyo.