-- Advertisements --
Inaprubahan ng Board of Supervisors ng Orange County sa California tuwing Agosto 24 bilang Kobe Bryant Day.
Ito ay bilang pagbibigay pugay sa galing sa basketball ng namayapang Los Angeles Lakers star.
Mahalaga kasi ang numerong 8 at 24 dahil ito ang jersey number na ginamit ng NBA star.
Ayon kay Board of Supervisors Chairwoman Michelle Steel , isang malaking inspirasyon sa mga kabataan si Bryant lalo na sa larangan ng basketball.
Nakatira kasi sa Newport Beach sa Orange County si Bryant at pamilya nito.
Magugunitang pumanaw ang NBA superstar matapos na bumagsak ang sinasakyang nitong helicopter noong Enero kasama ang anak nitong si Gianna at pitong iba pa.