Nakataas ang orange rainfall warning sa may bahagi ng Oriental Mindoro, Linggo ng umaga dahil sa inaasahang matinding pag-ulan na mararanasan dahil sa low pressure area (LPA).
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) alas-8:00 kaninang umaga ng ilabas nila ang nasabing warning.
Sa ilalim kasi ng orange rainfall warning, matinding pag-ulan ang mararanasan sa loob ng isang oras at maaaring magpapatuloy ito sa loob ng dalawang oras.
”Flooding in low lying areas and near river channels and Landslide in landslide prone areas are threatening,” pahayag ng PAGASA.
Pinayuhan naman ng weather bureau ang publiko at ang disaster risk reduction and management offices na magsagawa na ng kaukulang aksiyon, imonitor ang weather condition, at hintayon ang susunod na weather advisory.
Una ng sinabi ng PAGASA na ang LPA ay embedded sa Intertropical Convergence Zone na makakaapekto sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao.
Dagdag pa ng PAGASA, inaasahan din na magkakaroon ng pag-ulan sa National Capital Region, Visayas, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Aurora at Bulacan.