-- Advertisements --

Nanawagan ngayon si Chinese Foreign Minister Wang Yi sa Beijing at Washington na ituloy na ang mga pag-uusap upang muling pagtibayin ang ugnayan sa dalawang itinuturing na pinakamalalakas na bansa sa buong mundo.

Pahayag ito ni Wang bago pa man ang nakatakdang pagpapalit ng administrasyon sa Amerika sa ilalim ni president-elect Joe Biden.

Sa isang video dialogue ng board ng US-China Business Council (USCBC), nagbigay ng kanyang mga mungkahi si Wang para mas gumanda pa ang relasyon ng dalawang bansa, kabilang na ang pagpapalakas ng komunikasyon sa lahat ng antas at pagpapalawig sa kanilang kooperasyon, kasama na rin ang isyu ng coronavirus pandemic.

Ang USCBC ang kumakatawan sa mga American companies na may negosyo sa China na naglalayong isulong ang bilateral trade.

“The most urgent task currently is for the two sides to work together to remove all sorts of barriers to achieve a smooth transition in China-US relations,” wika ni Wang.

“At the same time, based on the direction of mutual benefits for our two peoples and countries, we need to strive to restart dialogue, return to the right track and rebuild trust in this next phase of relations.”

Sinisi rin ni Wang ang “outdated Cold War mentality and ideological prejudices” ng ilan sa Estados Unidos na pangunahing rason daw kaya nalagay sa alanganin ang relasyon ng dalawang major powers.

“Engaging in comprehensive containment against China, and even advocating for ‘decoupling’ and a ‘new Cold War’, this is making a historical, directional and strategic error,” ani Wang. “We expect and believe that the US’ China policy will return to objectivity and rationality sooner or later.”

Gayunman, muling iginiit ni Wang na hindi dapat nangingialam ang Amerika sa internal affairs ng China.

“For problems that cannot be immediately resolved, we need to maintain a constructive attitude to manage the situation to avoid intensifying and escalating the overall situation of China-US relations,” saad ni Wang.

Hinimok din nito ang US business community na magkaroon ng mas malaking papel sa pagpapabuti ng relasyon sa pagitan ng dalawang mga bansa.

Sa tingin ng mga tagapagmasid, asahan pa rin daw na magpapatuloy ang tensyon sa ilalim ng administrasyon ni Biden, na inaasahang makikipagpulong sa mga kaalyado hinggil sa usapin sa China. (SCMP)