Kinumpirma ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon na pinalawig nila ang oras na pagpaparehistro sa mga bagong botante.
Aniya, mula sa dating alas-3:00 ng hapon lamang, maaari na raw mag-extend ng deadline ng hanggang sa alas-5:30 ng hapon para sa mga new registrants.
Inaprubahan na rin daw ng Comelec en banc ang overtime pay sa kanilang staff.
Ang hakbang ng Comelec ay bunsod na rin ng mahigit tatlong milyon pa ang tinatayang hindi pa nakakapagparehistro para sa general elections sa susunod na taon.
Kabilang sa malaking bilang pa ay ang mag-18-anyos na pagsapit ng May 9, 2022.
Liban dito, wala na rin aniyang mangyayari na extension ng rehistrasyon sa Setyembre dahil magagahol na sila sa oras lalo na at sa Oktubre ay filing na ng certificate of candidacy.
Sa halip ayon kay Commissioner Guanzon binabalak na rin daw ng Comelec na magkaroon na rin ng voters’ registration maging sa weekend simula ngayong Pebrero.