Pormal ng pinirmahan ni Department of Transportation (DOTr) Sec. Arthur Tugade ang order na pumapayag sa pagbabalik ng mga hatchback at sub-compact na kotse bilang Transport Vehicle Network Service (TNVS).
Sa ilalim nito, inatasan ng DOTr ang Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na payagan muling maka-biyahe ang mga naturang sasakyan matapos ang ginawang konsultasyon sa mga driver at stakeholder.
Ikinagalak naman ni Senate Committee on Public Services chair Grace Poe ang development sa issue, gayundin ang hakbang na ginawa ng TNVS industry para hindi mawalan ng hanapbuhay ang kanilang mga driver at operator.
“This is a positive step towards resolving the issues surrounding TNVS operation. We laud the vigilance of the TNVS drivers and operators, who have steadfastly fought for their right to equity,”
Kamakailan nang tanggalin ng LTFRB sa kanilang listahan ng mga kinikilalang model ng sasakyan ang mga hatchback bilang TNVS.