-- Advertisements --

DAVAO CITY – Aprubado na sa third and final reading ang ordinansa na magbibigay ng free movie access sa mga Persons With Disability (PWDs) sa Davao City.

Bilang proponent at Chairperson ng Committee on Games and Amusement, ikinatuwa ni Councilor Jessica Bonguyan ang pag-apruba ng konseho sa nasabing ordinansa.

Malaki ang paniniwala ng konsehal na makapagbibigay ito ng kasiyahan sa mga PWDs.

Ito rin umano ang kanilang paraan upang ma-recognize ang mga PWDs sa komunidad.

Lahat ng PWD na mayroong City Government issued ID ang pwedeng makapag-avail ng libreng movie access.

Sa kabilang banda, pagmumultahin naman ang kahit sinong gagamit ng pekeng dokumento upang maka-avail lamang ng libreng movie access.

Sa first offense, ang isang indibidwal ay maaaring pagmultahin ng P2,000; P3,000 para sa 2nd offense at P5,000 para naman sa 3rd offense.

Tuwing Lunes, maaaring ma-avail ang nasabing libreng movie access para sa mga PWD.