-- Advertisements --

Nagpasa ng ordinansa ng Marikina City government ng hindi na pagbabayaran ng buwis at business permit ang mga maliliit na negosyante gaya ng mga sari-sari stores at carinderia.

Ang mga negosyanteng pasok dito ay yung mga may paunang puhunan na P10,000 at taunang benta na P180,000.

Hindi rin dapat nagbebenta ang mga ito ng sigarilyo at Alak.

Sinabi Marikina Mayor Marcy Teodoro na ang nasabing ordinansa ay bilang tulong sa mga maliliit na negosyante nila sa lungsod na labis na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.