Inaprubahan ni Taguig Mayor Lani Cayetano ang ordinansang naglilibre sa mga empleyado sa pagkuha ng Mayor’s Permit/Clearance.
Ayon sa alkalde, ang mga pribadong employer sa Taguig ay hindi na dapat mag-require sa mga aplikante na naghahanap ng trabaho na kumuha ng Mayor’s permit/clearance.
Ayon sa Ordinansa Blg. 109 na ipinasa noong Disyembre 18, 2023 ng Sangguniang Panlungsod ng Taguig, ang mga empleyado, kabilang ang mga self-employed, mga naghahanap ng trabaho, o nagsasanay ng isang propesyon, ay exempted na sa pagsusumite ng Mayor’s permit/clearance.
Binabago ng Ordinansang ito ang isang probisyon sa Taguig Tax Revenue Code sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga indibidwal na exempted upang mapagaan ang pasanin sa kanila habang sila ay nagtatrabaho.
Ang Ordinansa ay nakakatipid sa mga naghahanap ng trabaho hindi lamang sa oras kundi sa mga karagdagang gastos.
Ang pag-amyenda ay umaayon sa patakaran ng Taguig na hikayatin ang mga residente na aktibong maghanap ng trabaho at makisali sa kanilang mga propesyon, alinsunod sa Seksyon 16 ng Local Government Code of 1991, na nagbibigay-diin sa ‘
fair at just practices sa ilalim ng general welfare clause.
Top