-- Advertisements --

Opisyal na isinapubliko ng ILAW ang adbokasiya ng organisasyon sa ginanap na media launch nitong Miyerkules, January 31.

Bilang isang organisasyon na binuo mula, para, at tungo sa masang Pilipino, ipinahayag ng organisasyon ang layunin na maging boses at plataporma para sa mga konsyumer na ipahayag at isulong ang kanilang karapatan sa sapat, maaasahan, abot-kamay, at abot-kayang serbisyong kuryente sa bansa.

Nanawagan din ang organisasyon sa pagkakaroon ng collective effort at agarang aksyon sa nararanasang power crisis ng mga konsyumer na lubhang nakakaapekto sa pang-araw araw na buhay at paghahanapbuhay ng mga mamamayan.

Kasama sa kaganapan’g ito ang ILAW Youth Convenor, Francine Pradez, mga kaibigan sa midya, at mga kasamahan mula sa Batangas at Palawan.