ILOILO CITY – Nakaalerto na ang Philippine National Police (PNP) matapos pumasok ang pinaniniwalaang organized robbery hold-up group sa Western Visayas.
Ito ay kasunod ng pagtangay ng mga magnanakaw sa mahigit kalahating milyong halaga ng alahas sa Aljun Jewelry Store na may puwesto isang mall sa Guanco Street sa Lungsod ng lloilo.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay PCol Joem Malong, tagapagsalita ng Police Regional Office-6, sinabi nito na patuloy na inaalam ang pinagtataguan ng nasabing robbery hold-up group.
Ayon kay Malong, maliban sa mga mall ay dinoble rin nila ang kanilang pagbabantay sa mga bangko.
Nagsasagawa rin ng regular inspections ang PNP sa mga security guard upang malaman ang kanilang kahandaan sakaling sumalakay muli ang mga kawatan.
Noong nakaraang taon, tinatayang P10 million na halaga ng alahas ang natangay ng sa parehong jewelry store kung kaya inimungkahi ng otoridad sa may-ari na maghanap ng mas ligtas na malilipatan.