-- Advertisements --

Tuluyan ng kinansela ng China ang plano nito na magbenta ng tickets sa publiko para sa Winter Olympics.

Ito ay dahil sa patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 kung saan natiala ang mataas na bilang sa Biejing.

Ayon sa Beijing organizing committee na inalala nila ang kalusugan at kaligtasan ng mga manonood at mga atletang lalahok kaya nagdesisyon sila na huwag ng magbenta ng ticket.

Hindi naman nila nilinaw kung paano ang mga manood kung sila ba ay pipipliin lamang o ilalagay sa quarantine bago o pagkatapos ng laro.

Nauna kasi plano ng organizers na wala ng mga international audience sa mga laro at tanging mga domestic audience subalit dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Omicron ay kanila na rin itong inihinto.