CAGAYAN DE ORO CITY – Natigil muna ang pagpaabot tulong para sa mga mahihirap na mga kababayan na magmula sana sa pinakaunang natatag na community panty dahil nakatanggap ng death threats at na red tag ang organizer at volunteer workers nito sa Pasil, Barangay Kauswagan, Cagayan de Oro City.
Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni University of the Philippines (UP-Diliman) instructor Rene Principe Jr., labis silang natatakot para sa kanilang seguridad dahil hindi nila inaakala na makakaranas sila ng mga pangha-harass mula sa hindi kilalang mga personalidad.
Sinabi ni Principe, kailangan man ay hindi ito konektado sa anumang left leaning groups kaya dapat umano ay nilubayan sila dahil tanging pagtulong sa mga nangangailangan lamang na bigong maabutan ayuda ng gobyerno ang kanilang inaakay sa panahon ng pandemya ng dala ng COVID-19.
Dagdag ng cum laude graduate ng kursong Applied Physics ng UP na si Prinsipe, bagamat natutuwa na rin ito na mayroong apat na bagong community pantries ang naitayo na makapag-abot tulong rin sa ibang bahagi ng lungsod.
Magugunitang una nang ipinangako ng Police Regional Office 10 kasama at 4th ID, Philippine Army na nakahanda sila magbigay seguridad sa organizers ng community pantries kung kinakailangan para hindi sila basta-basta malapitan ng mga mapagsamantala.
Una rito,maging si City Mayor Oscar Moreno ay bukas at hinikayat pa ang ilang mga residente na magsagawa rin sa katulad na inisyatiba dahil malaki ang maitutulong nito sa mga nangangailangan sa panahon na kasalukuyang nakaranas ng malubhang krisis ang ekonomiya sa bansa.