-- Advertisements --

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang organizers ng Beijing half marathon dahil umano sa alegasyon na pinanalo ng tatlong atleta mula sa Africa ang star runner ng China na si He jie.

Lumabas ang video na ang mga runners na mula Kenya na sina Robert Keter at Willy Mnagat ganun din si Dejene Hailu mula Ethiopia tila nagbagal ng pagtakbo.

Ang 25-anyos na si He ay natapos ang marathon ng isang segundo labang sa tatlo habang ang tatlo ay nagtabla sa ikalawang puwesto.

Dahil dito ay umani ng batikos mula sa fans kung kaya’t nagsagawa ng imbestigasyon ang organizers.

Si He rin ay gold medalist noong 2023 Asian Games sa Hangzhou at siya rin ang record hloder sa event.

Ipinapaubaya muna ng World Athletics sa organizers ang nasabing pag-iimbestiga sa insidente.