-- Advertisements --
Naghayag na ng kahandaan ang organizers ng Paris Olympics apat na araw bago ang pormal na pagbubukas nito.
Sinabi ni Paris Olympics supremo Tony Estranguet na wala ng magiging problema pa sa pagsisimula nito sa araw ng Biyernes.
Minaliit lamang nito ang mga batikos ng ilang mga residente at negosyante na magdudulot umano ito ng negatibo sa Paris.
Hanggang hindi pa natatapos aniya ang torneo ay nananatili silang vigilant sa anumang mangyayar.
Ipinagmalaki nito na ang mga lugar kung saan gaganapin ang mga sports ay hindi na nagkakaroon pa ng problema.
Isa ng inihalimbawa nito ay ang River Seine na mayroon ng malinis na tubig.