-- Advertisements --
Bumandera sina Billie Eilish, Harry Styles at Kanye West sa mga sikat na singer na inimbitihan na magtatanghal sa Coachella Valley Music and Arts Festival.
Makakasama rin nila sina Doja Cat, Megan Thee Stallion, Swedish House Mafia at Lil Baby.
Plano kasi ng organizers ng nasabing festival na makabalik na matapos ang dalawang taon na paghinto dahil sa COVID-19 pandemic.
Ang nasabing anunsiyo ay matapos na unang ibinahagi sa social media ng isa pang music festival na Bonnarroo ang kanilang 2022 lineups.
Noong wala pang pandemiya ay aabot sa mahigit 125,000 katao ang nanonood sa nabanggit ng concert.
Isasagawa ang Coachella mula Abril 15 hanggang 17 at Abril 22-24.