-- Advertisements --

Sinalubong pa rin ng kanyang mga kababayan sa Serbia bilang national hero ang world’s number 1 tennis player na si Novak Djokovic na pinalayas ng gobyerno ng Australia dahil sa hindi pagiging bakunado. 

Dumating si Novak sa Belgrade, Serbia mula sa Melbourne matapos dumaan ang eroplano sa Dubai. 

Nagtipon naman ang kanyang nga kababayan sa airport at isinisigaw ang kanyang pangalan dala ang mga bandila bilang pagsuporta sa kanya. 

Una nang binatikos ng prime minister ng Serbia at iba pang opisyal ng pamahalaan ang Australia dahil daw sa iskandalosong desisyon na nagresulta sa pagkabigong maidepensa ni Djokovic ang kanyang korona sa Australian Open.

Samantala, nakisawsaw din naman sa isyu ang mga organizers sa nalalapit na French Open at Madrid Open na hindi rin nila papayagang makasali si Novak kung mananatili iting hindi bakunado.