Itinigil ng organizers ng heavy metal festival sa Germany na Wacken Open Air Festival ang pagpapasok na ng mga tao dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan.
Ang taunang pagtatanghal ng mga heavy metals sa buong mundo ay ginana sa isag lugar sa Wacken sa northern Germany.
Sa pagdaan ng ilang araw na malakas na pag-ulan ay naging putik ang lugar.
Para maiwasan ang anumang aksidente ay nagpasya ang organizers na limitahan lamang ang papasok.
Mayroong lamang 60 percents ng 85,000 na ticket holders ang pinayagang makapasok sa lugar.
Inanunsiyo rin nila na ang mga nakabili ng tickets na huwag ng tumuloy dahil sa hindi na sila papapasukin dahil sa nagresulta sa matinding putik ang lugar.
Ang nasabing heavy metal festival sa Germany ay nagsimula pa noong 1990 na dinadaluhan ng mga banda mula sa iba’t -ibang bansa.
Kabilang ang heavy metal band ng Pilipinas na Redeemed by the Blood ang naimbitahan na tumugtog sa nasabing okasyon.