-- Advertisements --
(c) Sandiganbayan/Wikipedia

Inabuswelto ng Sandiganbayan si Oriental Mindoro Rep. Paulino Salvador Leachon sa kaso nitong graft na may kinalaman sa reklamong nag-ugat noong siya pa ang mayor ng Calapan City.

Batay sa desisyon ng 4th Division, sinabi ng anti-graft court na bigo ang hanay ng prosekusyon na patunayang sangkot si Leachon at mga kapwa akusado nito sa iligal na paggamit ng dump trucks na pagmamay-ari ng lokal na pamahalaan.

“The accused were pursuant to the legitimate exercise of their public office and was meant to benefit the government and residents of Calapan City,” ayon sa desisyon.

Nauna ng ibinsura ng korte ang kaso laban sadating chairman ng Brgy. Guinobatan na si Ernesto Viñas matapos mamatay noong nakaraang taon.

Nag-ugat ang reklamo nang iligal umanong payagan ng lokal na pamahalaan na gamitin ng isang Juan Viñas ang limang dump trucks ng city government para mag-unload ng mga buhangin sa property nito.

Pero ayon sa Sandiganbayan, malinaw na may kasunduan sa pagitan ni Viñas at city government ukol sa transfer.

Nabatid din na ang mga buhangin ay galing sa dredging project ng DPWH.

Bukod sa kongresista, abswelto rin si Viñas at dating city engineer Benjamin Acedera.

Si Leachon ang kasalukuyang chairman ng Committee on Justice sa Kamara, at vice chairman ng Committee on Good Government.