-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Sumailalim ang mga health education and promotion officer (HEPO) ng ibat ibang ospital sa probinsya ng Cotabato ang oryentasyon sa COVID-19 vaccination program ng communication and demand generation sa bayan ng Midsayap.

Ayon kay Department of Health (DOH)-Center for Health Development SOCCSKSARGEN Region Health Education and Promotion Officer Arjohn Gangoso, layon nito na mabigyan ng karagdagang impormasyon ang mga partisipante hinggil sa mga aktibidad ng gobyerno kaugnay sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) response at COVID-19 vaccination.

Dagdag pa ni Gangoso, sa pamamagitan ng communication and demand generation na aktibidad, mabibigyan din ng kaalaman ang mga partisipante hinggil sa COVID-19 bio-surveillance.

Nabatid na kaparehong aktibidad din ang gagawin sa susunod na linggo sa KidapawanCity para sa ikalawang pangkat ng mga partisipante na representante ng mga ospital.

Maliban sa mga ito, gumagawa din ng kaparehong aktibidad ang DOH-12 hinggil sa human resource for health, information officers, at media hindi lamang sa North Cotabato kundi maging sa iba pang probinsya sa rehiyon.

Ito ay isa din sa mga kampanya ng DOH-CHD XII upang mapalakas ang paghihikayat sa mamamayan na magpabakuna laban sa nakamamatay na sakit.

Ang oryentasyon ay isinasagawa katuwang ang Philippine Information Agency XII na nagbibigay ng kaunting pagsasanay tungkol sa paglaban sa fake news, paggawa ng balita at social media card, pagtugon sa mga troll at negatibong komento, at iba pa.