-- Advertisements --

Nakabalik na sa daigdig ang Orion Capsule ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) matapos ang paglakbay nito sa ibabaw ng buwan.

Bumagsak ang uncrewed gumdrop-shape capsule sa karagatan ng Baja California peninsula.

May karga lamang ito ng tatlong mannequins na nilagyan ng sensors.
Ang 25-araw na mission ay kinabibilangan ng pagdaan sa 79 milya sa ibabaw ng buwan sa lunar fly-by.
Naabot nito ang kabuuang layo na may 270,000 milya mula sa daigdig.

Magugunitang lumipad ang Orion noong Nobyembre 16 sa Kennedy Space Center sa Florida na isinakay sa Space Launch System ng NASA na tinagurian ngayon bilang pinakamalakas at pinakamalaking rocket ng NASA.