Umuwi ng luhaan ang koponan ng Dallas Mavericks matapos makapagtala ng 27 na puntos si Franz Wagner.
Ito rin ang kauna unahang pagkakataon ngayong NBA season na napigilan ng Orlando Magic ang best player nito na si Luca Doncic na nakapagtala ng higit 30 kabuuang puntos o higit ngayong season.
Sa kabila nito, naghahari pa rin si Luca bilang nangungunang player sa NBA at kumamada naman ito ng 24 na puntos na kabuuan ng laro.
Samantala, umiskor naman si Spencer Dinwiddle ng 29 na puntos para sa Mavericks.
Si Wendell Carter Jr. naman ay nakapagtala ng 13 na puntos at 12 rebounds para sa Orlando, at si Jalen Suggs ay may 12 puntos at pitong rebounds.
Malaking tulong din ang layup ni Dinwiddle sa unang bahagi ng second quarter ng lalo na naglagay sa Dallas sa score na 34-24 at ito rin ang tanging double-digit lead ng Mavericks sa laro.
Sa nalalabing anim na minuto ng laro ay nanguna naman ang Dallas sa score na 83-82 ngunit walong sunod na puntos naman ang pinakawalan ng Orlando bilang sagot nito sa Mavericks sa nalalabing tatlong minuto ng laro.
Natapos ang laro na may kabuuang score na 94-87 na pabor sa Orlando. (with reports from Victor Llantino)