TACLOBAN CITY – Kampante ang aktor at Ormoc City Mayor Richard Gomez na matatapos nila ang clearing operations sa buong lungsod bago pa man ang 60 days deadline na ibinigay ni Presidente Rodrigo Duterte sa mga local government officials upang linisin ang lahat ng mga daan mula sa mga ilegal na struktura.
Ayon kay Mayor Goma, bago pa man ang nasabing kautusan ng pangulo ay matagal na nilang isinasagawa ang clearing operations sa mga sidewalks at kalsada sa kanilang lungsod pero mas naging mabilis an pagsasagawa nito nang ipag-utos na ito ng chief executive.
Sa ngayon ay nasa 70 percent na ang kanilang natatapos sa nasabing clearing operations at wala namang naitalang resistance ng mga apektadong struktura at establishmento.
Nagpasalamat naman ito sa mga opisyales at residente ng Ormoc City sa kanilang kooperasyon at pakipag-ugnayan upang mapabilis ang isinasagawang operasyon.