TACLOBAN CITY – Inanunsiyo ng city government ng Ormoc na ngayon ay nakuha nila ang zero Coronavirs disease 2019 (COVID-19) active cases sa kanilang lugar
Ito ay matapos madischarge at magnegatibo sa swab test ang huling COVID-19 patient sa lugar.
Ayon kay Elsie Jaca, tagapagsalita ng COVID-19 Taskforce ng Ormoc City Health Office, ilan sa kanilang ipinatupad upang mapigilan ang pagkalat ng virus sa kanilang lungsod ang “No Home Quarantine” policy at gayundin ang mahigpit na border checkpoints.
Dagdag pa nito na lahat ng mga locally stranded individuals (LSIs), oversease Filipino workers (OFWs), suspected COVID-19 patients at mga close contacts ng mga ito ay agad nilang inilagay sa isolation facility at hindi pinapayagang mag-home quarantine upang hindi na makahawa sa kani-kanilang pamilya.
Nabatid na nagkaroon ng 120 cases ng COVID-19 ang Ormoc mula noong buwan ng Marso at lahat ng mga ito ay nakarekober na sa ngayon.