-- Advertisements --
Kinumpirma ng actor at mayor ng Ormoc City na si Richard Gomez na siya ay nagpositibo sa COVID-19.
May hinala ang alkalde na ang kanyang exposure sa iba’t ibang mga tao ang dahilan nang pagkakahawa niya sa virus.
Tiniyak naman niya sa kanyang mga fans at nasasakupan na maayos naman ang kanyang kalagayan dahil daw sa “mild symptoms” lamang ang kumapit sa kanya.
Ayon pa kay Goma, kailangan lamang niya ng pahinga at sumailalim sa isolation hanggang sa siya ay gumaling.
Napag nabigyan na raw siya ng clearance ng kanyang doktor ay babalik na rin siya sa kanyang trabaho.
Kasabay nito, nanawagan ang aktor sa lahat na palaging mag-ingat at ng hindi matulad sa kanya.