LEGAZPI CITY — Kinoronahan ang isang orthopedically-impaired sa kauna-unahang Miss Amazing 2019 na isinagawa ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) kaugnay ng month-long celebration ng Magayon Festival 2019.
Nasungkit ni Jhona Peña ng Malinao ang Best in Talent at Miss Amazing 2019; habang kinilalang 1st Runner Up si Vanessa Aubrey Marie Bataller ng Legazpi City na nakuha rin ang Best in Long Gown; at 2nd Runner Up ang taga-Bacacay na si Katherine Bilaro.
Ayon kay Peña, hindi hadlang ang kanyang amputated na kanang binti upang ipagpatuloy ang pangarap sa buhay.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PSWDO chief Eva Grageda, sinabi nitong highlight ng PWD Day ang pagent na naglalayong ipakita ang inner qualities ng bawat taong may kapansanan.
Pagpaparamdam rin umano ang aktibidad sa mga PWD na espesyal at mahalagang sektor sa lipunan.
Kasali sa beauty pageant ang mga visually impaired, orthopedically impaired at hearing-impaired sa lalawigan.